-
1/99
Noob lang ako sa work place ko pero hindi naman ako mangmang sa paligid ko at sa mga kasama ko especially sa work ko mismo. First job ko actually. Hindi ko expected lahat ng nangyayari, ayoko na din umasa. Go with the flow ika nga nila.
Suddenly lahat ng mga pangamba nawala dahil sa mga workmates ko. Super okay sila kasama. Dahil ako pinakabata sa lahat, ehem 18 lang ako sila halos 22+ na lahat, never ko sila tinrato as mga kuya nor ate, inisip ko na lang mga classmates ko sila. Wala rin naman sila pinagkaiba actually cool mom and dad sila. Kaya naman halos lahat kasundo ko.
May time na minsan puro tawa at biruan madalas naman nagkaka personalan pero nangingibabaw samin yung tropa which is good naman. Sa una akala ko may mga irapan kasi nga iba ibang tao kasama mo may maarte may madaldal may plastic may user may epal may gago may bakla may maganda may mayaman may magaling may nagmamagaling may mapapel may iyakin at mahina. Mahina? Yun ako dati.
Mahina loob, takot magkamali dahil alam ko na hindi ko linya yung pinasukan ko. Hindi ito yung mundo na gugustuhin ko, eto lang yung gusto kong subukan pero dahil wala akong choice, sinubukan ko na. Pinoy nga ako kaya naman, masasabi ko wala naman mawawala kung susubukan mo di ba?
blog comments powered by Disqus