-
Not an Ordinary Day.
Anong bang meron sa araw na to? I mean obviously it’s sunday pero bakit ganun? I think I lose all my luck since friday. Alam mo yung “last man standing” , “kutob” at “Katangahan”? Yun yun eh! Hayaan niyo akong ikwento at isalaysay ang mga pangyayari :p
FRIDAY 3 hours pass mula nung dumating ako sa P&P ~
Meyo okay na ang lahat. I think KAYA ko na. I mean a bit prepared na ako for the day. I already pass my resume. Okay fast forward, 2 pass the lame interview. Bakit kao lame? Wala siyang ganang mag interview! Hinihigop niya lahat ng energy ko. I mean nakakahawa. Kahit sino naman siguro kung makikipag usap ka sa taong boring mahahawa ka. But the good thing is hindi ako nahawa :D HAHA. Tinawag na niya ako. He’s from sitel pala. The fat/cute/macho/chubby guy I dunno his name eh (moving forward) He called my name and 2 of my co-trainee. So ayun nagtanong na siya kung kumain na kami, after that we sign something Info/detail thing. So (fast forward).
Okay it’s my time to shine and I’m the last interviewee! Kahit ang blanko niya magtanong alam nyo yung full effort na makipag eye to eye contact and Ngumiti the whole time kahit na hindi siyagano tumitingin sakin?! (He’s writing something that time eh). So tawag dun is extra effort. Kelangan talaga nun. Confidence is a must pag interview. To make it short .. I failed. Yeah right, I guess your laughing right now =| One thing nadin ginawa kong practice ang interview coz I already know that they won’t be hiring undergrad that only studied 1 year in college. So bukod sa pa segway segway na sagot just to keep the conversation going, Educational Background ang naging prob ko. That’s life!
For the next succeeding hours, naghintay naman ako ng Pre Screening phone call from Startek. Syempre sure win, Pass ako pre-screening lang yun, sagutin mo lang mga simpleng tanong nila and one thing pa medyo nag enjoy akong kausap yung guy/ish sa phone.
THE NEXT DAY …
SATURDAY 9:45AM @ BUS going to Startek Ortigas
Medyo nainis ako kasi nanuod pa ako ng TV without knowing na 8:30am na and kahit alam ko na 10am ang start ng exam/update of profile. (Fast forward..) Okay just about time na pagdating ko sa mismong place ng Startek nagtatawag na yung pretty girl ng applicants which is mga co trainee ko din humabol ako so nakasama pa ako sa batch na mag take ng exam. Behavioral Exam: Kung paano ka magwowork sa company nila as well sa isang team.
To tell you honestly Isa ako sa FAILED ng BEHAVIORAL EXAM. You know why? Lahat ng sagot ko SAFE eh. :)) I mean, yung tipong choose the best answer no right or wrong answer, one question lang (nakalimutan ko na question) parang ganito yung sample Q/CHOICES.
WHAT DO YOU PREFER IN A JOB?
- Sit infront of a computer and do what you CAN do to accomplish a particular task even if it’s your lunch/break time.
- You prefer to go lunch with your TEAM and have a nice conversation.
SO SINCE TUMATAK SA ISIP KO PAG NAG A.APPLY — “First impression Last..”
Yung first bullet ang pinili ko :) Napaka SAFE no? So kung ako ang titingin ng mga sagot ko, napaka Hard-working ko. Pero since this is a behavioral exam, hindi katanggap tanggap ang pagiging SAFE & MARTIR sa trabaho. Just to leave you this TIP: in answering such Behavioral Exam, dapat magpakatotoo ka. Hindi ko naman sinabi na PLASTIC akong tao. NO! Dito kasi tinetest kung paano ka magtrabaho. Yung mga sinagot ko din kasi parang napaka dedicated ko sa work at wala ng chance para makipag usap sa tao/team. Pero story has it’s own twist. Parang Shrek.
Tinatawag na lahat ng applicant, wow halos lahat pasado. Nagtataka ako bakit di pa ako tinatawag. So ayun sabi niya “You failed..” actually dalawa kami eh. Naulantang ako sa aking kinauupuan ng bigla niyang banggitin na .. “But STILL I will endorse you to the next step which is the Exam…”.
I thanked all the angel’s in the sky. Ganun ako kasaya kasi nakaka frustrate talaga kung bagsak na ako tapos wala pang chance. So after waiting for an hour, next is the almost 3 hours of exam. ( kukwento ko sa next time kung anong nagyari nung exam). At the end of the day, I FAILED ulit.
SUNDAY 2:46PM @ Bathroom
Wag niyo na tanungin kung bakit ako nasa loob ng banyo. Masakit na tiyan ko that time. So naglabas lang ng sama ng loob. Nung time na patapos na ako. Nawala sa isip ko na pinatong ko sa LAP ko yung phone ko. Nagulat ako kala mo may nag dive sa balde ng tubig. WOOOOOOOOOOOSH PLOK.. Yan yung huling tunog na narinig ko. Ang huling nasabi ko na lang “Shi*t!!!!! @$#@%#^! PHONE KO !!!!! >:(((( :’((((((((”.
So ayun nga. Dali dali ko naman yun kinuha at dali dali kong tnanggal battery at pinunasan ko din kaagad. Since may internet at wala akong perang pang paayos ng phone nakahanap ako ng site na sobrang sinubukan ko ngayon para lang mapagana ulit phone ko.
” …. leave it turned off overnight in a bowl of uncooked rice..”
Sinubukan ko gawin. Kumuha ako ng Bigas at nilagay sa container at binabad yung phone ko. Nagtataka kayo kung effective ba talaga yun? Pag gumana phone ko ibig sabihin effective nga. Teka bakit kamo UNCOOKED RICE o BIGAS?
ayon sa blog na nabasa ko ..
“…. Rice, he explained, sucks out moisture… “
So kung ano man ang maging resulta ng panggagaya ko para masalba ang 5530 Touch screen / Express Music phone ko ikukwento ko na lang ulit. Sa ngayon nakababad yung phone ko sa BIGAS. At bukas ng umaga ko na lang bubuksan. Naghahanap ako ng paraan para makagamit ng phone ngayon. So may extra phone ka ba? :))
(Source: coffeecoatedmilk)
blog comments powered by Disqus